Einstein 2006-2007
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Search
 
 

Display results as :
 


Rechercher Advanced Search

Latest topics
» MBBS In Ukarine
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) EmptyTue Sep 22, 2009 10:26 pm by job2me07

» MBBS In Ukarine
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) EmptyTue Sep 22, 2009 10:25 pm by job2me07

» MBBS In Ukarine
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) EmptyTue Sep 22, 2009 10:25 pm by job2me07

» dugtungan.. wehehe...
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) EmptySat Aug 01, 2009 1:48 pm by ichiro

» mami.. click,click..
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) EmptyTue Jan 27, 2009 9:57 pm by lukring

» SPOOFS .
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) EmptyMon Jan 19, 2009 4:49 pm by zeis

» listahan ning bday
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) EmptySat Jan 03, 2009 2:26 pm by lukring

» XMAS PARTY(?)
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) EmptyWed Dec 17, 2008 12:33 pm by zeis

» anong bago?
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) EmptyWed Dec 03, 2008 11:42 am by zeis


[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1)

Go down

[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1) Empty [Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1)

Post by urahara Thu Jul 10, 2008 8:28 pm

Sa mga gahanap ning mga maikling kwento jan na walang panginoon, ini..ipost ko..pigpahanap pano ini samo..pro nabasa ta na uni...

WALANG PANGINOON

Deogracias Rosario


Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi't saan. Saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahi't saan siya magsiksik, kahi't saan siya magtago, kahi't na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang tainga ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

"Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na paniwalang-paniwala hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas.

"Ngunit, Marcos…" ang baling uli ng matandang babae sa anak. "Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya'y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una'y ang iyong ama, ikalawa'y ang kapatid mong panganay, ikatlo'y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita." Ang huling pangalan ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae.

Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mata niyang galling sa pagkapikit kaya't nanlabo pa't walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita.

"Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw," ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang damdamin.

Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagka't hindi pa natatagalang namatay si Anita.
urahara
urahara
Admin
Admin

Male
Number of posts : 119
Age : 32
Pangalan..o nickname tabi.. : Nicko
Tagasain ka tabi? : Hawa Tabi..
School.. : FEU sana tabi..
Registration date : 2008-03-03

http://webwatcher.tk

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum