Search
Latest topics
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 7)
Page 1 of 1

Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung dumating siya'y dinaratnan niya ang kanyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.
"Salamat, anak ko, at dumating ka," ang sasabihin na lamang ng matanda. "Akala ko'y napahamak ka na."
Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong ito at ang kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil ang isa't isa. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang rebolber sa baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos.
Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may sinumpang galit sapagka't bigla na lamang sinibad ang matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman ng kabilang sungay.
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangan pagsisiyasat subali't ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo'y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.
Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nababahala.
Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya'y ang matapang niyang kalabaw.
"Mapalad na hayop na walang panginoon," ang kanyang naibulong.

Similar topics
» [Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 1)
» [Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2)
» [Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 3)
» [Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 4)
» [Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 5)

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
Tue Sep 22, 2009 10:26 pm by job2me07
» MBBS In Ukarine
Tue Sep 22, 2009 10:25 pm by job2me07
» MBBS In Ukarine
Tue Sep 22, 2009 10:25 pm by job2me07
» dugtungan.. wehehe...
Sat Aug 01, 2009 1:48 pm by ichiro
» mami.. click,click..
Tue Jan 27, 2009 9:57 pm by lukring
» SPOOFS .
Mon Jan 19, 2009 4:49 pm by zeis
» listahan ning bday
Sat Jan 03, 2009 2:26 pm by lukring
» XMAS PARTY(?)
Wed Dec 17, 2008 12:33 pm by zeis
» anong bago?
Wed Dec 03, 2008 11:42 am by zeis