Search
 
 

Display results as :
 


Rechercher Advanced Search

Latest topics
» [Extra Speed] Crack Myscript Stylus Mobile Apk Download
Sun Jun 08, 2014 11:15 am by yuliroc

» Download Video Mesum Smu Indonesia 3gp 4shared.zip
Sat Jun 07, 2014 3:21 pm by yuliroc

» Iphone-to-groupwise-1.0.0.0
Thu Jun 05, 2014 8:57 pm by yuliroc

» 58244 Combat Arms 2101001
Fri May 30, 2014 12:33 pm by yuliroc

» 11-1 Xp32 Dd Ccc Ocl
Fri May 30, 2014 7:22 am by yuliroc

» SmartAssembly V6.1.0.48
Wed May 28, 2014 1:49 am by yuliroc

» WindowBlinds 7.3 + Crack
Tue May 27, 2014 1:28 pm by yuliroc

» Cs16full V13
Tue May 27, 2014 9:01 am by yuliroc

» Cute-avi-converter-4.10
Sat May 24, 2014 9:20 am by yuliroc


[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 4)

View previous topic View next topic Go down

[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 4)

Post by urahara on Thu Jul 10, 2008 8:30 pm

Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi ang baling araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa naniniwala siya sa kasabihan, "Ang lahat ng tao, kahi't hindi magkakakulay ay sadyang magkakapantay," tinatanggap din niya ang palasak ng kawikaang "Ang katapat ng langit ay pusalian." Dahil diyan kaya kahi't bahagya ay hindi siya nag-atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.

At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa niyang bisiig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya't pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang.

"Marcos, matagal na naman kitang iniibig," ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang may ilang buwan buhat nang siya'y mailigtas.

Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang ninuno at binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktutan.

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae </SPAN>ang nalagutan ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay.

_________________

urahara
Admin
Admin

Male
Number of posts: 119
Age: 23
Pangalan..o nickname tabi..: Nicko
Tagasain ka tabi?: Hawa Tabi..
School..: FEU sana tabi..
Registration date: 2008-03-03

View user profile http://webwatcher.tk

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum