Einstein 2006-2007
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Search
 
 

Display results as :
 


Rechercher Advanced Search

Latest topics
» MBBS In Ukarine
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) EmptyTue Sep 22, 2009 10:26 pm by job2me07

» MBBS In Ukarine
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) EmptyTue Sep 22, 2009 10:25 pm by job2me07

» MBBS In Ukarine
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) EmptyTue Sep 22, 2009 10:25 pm by job2me07

» dugtungan.. wehehe...
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) EmptySat Aug 01, 2009 1:48 pm by ichiro

» mami.. click,click..
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) EmptyTue Jan 27, 2009 9:57 pm by lukring

» SPOOFS .
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) EmptyMon Jan 19, 2009 4:49 pm by zeis

» listahan ning bday
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) EmptySat Jan 03, 2009 2:26 pm by lukring

» XMAS PARTY(?)
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) EmptyWed Dec 17, 2008 12:33 pm by zeis

» anong bago?
[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) EmptyWed Dec 03, 2008 11:42 am by zeis


[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2)

Go down

[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2) Empty [Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2)

Post by urahara Thu Jul 10, 2008 8:29 pm

Ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.

"Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara," ang sabi ng ina. "Walang pagsalang masasayahan ka roon."

"Si Inang naman," ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi nang malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano ang pait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito.

Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, "disi'y hindi ako itataboy sa kasayahan."

Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagka't mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.

"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. "Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?"

Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.
urahara
urahara
Admin
Admin

Male
Number of posts : 119
Age : 32
Pangalan..o nickname tabi.. : Nicko
Tagasain ka tabi? : Hawa Tabi..
School.. : FEU sana tabi..
Registration date : 2008-03-03

http://webwatcher.tk

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum