Search
 
 

Display results as :
 


Rechercher Advanced Search

Latest topics
» [Extra Speed] Crack Myscript Stylus Mobile Apk Download
Sun Jun 08, 2014 11:15 am by yuliroc

» Download Video Mesum Smu Indonesia 3gp 4shared.zip
Sat Jun 07, 2014 3:21 pm by yuliroc

» Iphone-to-groupwise-1.0.0.0
Thu Jun 05, 2014 8:57 pm by yuliroc

» 58244 Combat Arms 2101001
Fri May 30, 2014 12:33 pm by yuliroc

» 11-1 Xp32 Dd Ccc Ocl
Fri May 30, 2014 7:22 am by yuliroc

» SmartAssembly V6.1.0.48
Wed May 28, 2014 1:49 am by yuliroc

» WindowBlinds 7.3 + Crack
Tue May 27, 2014 1:28 pm by yuliroc

» Cs16full V13
Tue May 27, 2014 9:01 am by yuliroc

» Cute-avi-converter-4.10
Sat May 24, 2014 9:20 am by yuliroc


[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2)

View previous topic View next topic Go down

[Maikling Kwento] Walang Panginoon ni Deogracias Rosario (part 2)

Post by urahara on Thu Jul 10, 2008 8:29 pm

Ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.

"Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara," ang sabi ng ina. "Walang pagsalang masasayahan ka roon."

"Si Inang naman," ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi nang malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano ang pait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito.

Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, "disi'y hindi ako itataboy sa kasayahan."

Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagka't mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.

"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. "Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?"

Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.

_________________

urahara
Admin
Admin

Male
Number of posts : 119
Age : 25
Pangalan..o nickname tabi.. : Nicko
Tagasain ka tabi? : Hawa Tabi..
School.. : FEU sana tabi..
Registration date : 2008-03-03

View user profile http://webwatcher.tk

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum